Below is my letter to Sr. Eppie, my 'Kuwentong Buhay' for our radio program Sacred Space on the air. It was aired on February 01, 2015.
-----------------------
Dear Sister Eppie,
Magandang gabi po sa inyo at sa lahat ng mga kapanalig na
nakikinig ngayong gabi. Nagtanong po si Sr. Brenda kung puwede ko uli ibahagi
ang aking kuwentong buhay ngayong gabi. Hindi po ako nagdalawang isip na
pumayag kasi marami na nangyari sa loob ng mahigit isang taon na nakipamuhay
ako sa inyo.
Naibahagi ko na po dati pa kung paano ko nakilala ang Regina RICA
at ngayon ay gusto ko simulan ang aking kuwento sa panahon na ako ay naging
Aspirant. Napakarami po ng struggles at challenges pero ako ay nagpapasalamat
dahil mas marami naman ang mga pagpapala at grasya ng panginoon. I thank the
Lord that I always feel cherished and loved.
Napakarami na po ng mga nangyari at nagpapasalamat ako sa
panginoon sa lahat ng mga pingdadaanan ko. Hindi ko po makakalimutan ang unang
pagkakataon na nakadalaw ang aking ina sa Mother House at pagkatapos ay
pinapunta mo kami sa Regina RICA at pinatigil niyo siya doon ng tatlong araw. Hindi
po lingid sa inyo na tutol ang aking ina sa aking pagmamadre, noong una, kasi
hindi daw po madali ang buhay na ito at isa pa ay isa ako sa mga inaasahan sa
pamilya, bilang pangalawa sa siyam na magkakapatid. Noong una po makadalaw ang
aking ina sa Mother House natuwa po ako na nakadama siya ng saya at kapayapaan.
Sinabi niya po sa akin na “Ang saya naman dito.” Nagulat po ako na ganoon ang
reaction niya kasi ng dumating siya sa Mother House ay gabi na, madilim at
walang ibang tao. Alam ko po na pinaramdam sa kaniya ni Mama Mary ang saya sa
kaniyang puso. Ng pumunta naman po kami sa Regina RICA ang sinabi niya ay
“parang paraiso dito.” Nagpapasalamat po ako sa magandang pakikitungo sa kaniya
ni Sr. Merly, at hindi niya po nakakalimutan yon. Ang higit na ikinatuwa ko po
ay ng nasa Regina RICA kami na kasama kayo at pagkatapos ng morning prayer
natin, sa harap ni Mama Mary at mga sisters sa RICA at kasama kayo ay sinabi
niya na, “Ipinagkakatiwala ko na po sa inyo ang aking anak, alam ko na nasa
mabuti siyang mga kamay.”
Sr. Eppie lagi ko din pong dalangin noon na sana haplusin din ni
Mama Mary ang puso ng aking ama, na hindi pa kapanalig, na sana ay matanggap
niya na din ang buhay na pinipili ko. At masayang masaya po ako na pagkalipas
naman ng limang buwan ay ang aking ama naman, kasama din ang aking ina ang
nakadalaw sa Regina RICA. Ako po ay talagang kinakabahan sa magiging reaction
niya pag nakita niya ang malaking statue ni Mama Mary. Pero talaga pong sa
pamamagitan ng intercession ni Mama Mary sinagot din ang aking mga dalangin.
Pagdating po namin sa Regina RICA, ang unang unang sinabi ni Papa ay, “Gusto
ko umakyat sa malaking rebulto, gusto ko siya makita.” So umakyat po kami at
pumasok sa SULOD. At sumunod naman po siya sa lahat ng instruction ni Sr.
Neneng simula sa pag expose ng blessed sacrament, sa adoration at sa paghalik
kay baby Jesus, dahil Christmas time po noon. He also knelt down in front of
the Blessed Sacrament. Pagkatapos po noon ay umattend kami ng 11 a.m. mass. Sr.
Eppie first time po yoon na umattend kami ng misa na magkakasama kaming tatlo,
dahil dati po ay sa ibang klase ng worsip kami magkakasama.
Hindi ko din po makakalimutan noong araw na tinanggap ninyo ako
bilang Postulant. Pagkatapos po ng acceptance pumunta tayo sa Regina RICA,
kasama ang family ng isa nating Mission Partner at doon po sa pamamagitan niya
ay ipinarating ni Mama Mary ang kaniyang mensahe ng sinabi niya sa akin na “We need more good sisters.” Ang mensahe
pong iyon ay hindi isang kautusan. But for me it was a powerful and strong
message at hindi ko po kinakalimutan iyon, at nagsilbing gabay ko sa aking
paglalakbay sa bagong buhay na ito.
Lagi ko din po ipinagpapasalamat ang napakaraming biyaya at
pagpapala na ipinagkakaloob ng panginoon sa aking pamilya. Bago po ako pumasok
bilang isang madre ay naging pilgrim din
po ako sa Regina RICA at naka attend sa mesa sa kakahuyan at doon po ay
nagsulat din ako ng aking mga intensiyon. At lahat po iyon ay natupad at
natutupad na. Ang mga kapatid at pinsan ko na idinalangin ko na makatapos sa pag aaral, pumasa sa board exam at makakuha ng
maayos na trabaho ay natupad na.
Sr. Eppie ng magdesisyon po ako na tuluyang pumasok bilang madre
sa Dominican Sisters of Regina Rosarii ay isang pangarap para sa aking ama at
ina ang hindi ko pa nagagawa pero alam ko po na ipagkakaloob din iyon ng
panginoon sa pamamagitan na ng aking mga kapatid. Sa aking desisyon na ito po
ay lagi ko silang kasama dahil naapektuhan sila ng aking pagkawala sa pamilya
pero nagpapasalamat po ako na tinanggap na nila ang desisyon ko na ito.
Hindi po madali ang aking paglalakbay. Marami akong mga kakaibang
karanasan sa unang pagkakataon. Marami akong nadiskubre sa aking sarili. Marami
ang hindi ko naiintindihan. Lahat ay iniingatan ko sa aking puso. At maraming
mga bagay ang unti unti kong naiintidihan dahil sa practice natin ng contemplative
prayer. Sa tulong ng mga tao na ipinapadala ng panginoon lalong lalo na sa mga
pagkakataon na maraming mga tanong sa aking isipan.
Malaking challenge po sa akin ang pakikipamuhay sa community,
dahil sadyang kakaiba naman ang buhay na ito. Sa mahigit sampung taon na
nagtrabaho ako sa iba’t ibang industriya sa Ortigas at Makati, I was trained to
become a people person. And I thought that I am. Natutunan ko makisalamuha sa
iba’t ibang klase ng tao, sa iba’t ibang antas ng buhay at edukasyon. Pero sa karanasan
ko po parang nabalewala lahat iyon sa buhay ko sa loob. Dumating po sa punto na
parang di ko na din kilala ang sarili ko. My virtues were tested. My worsts were being brought out, and I just let it. I naturally regress. I remember Sr.
Menchie told me once, “You should put your best foot forward.” But in my mind I
was saying, “I am trying to decide for a lifetime commitment and so you have to
first accept and love me on my worsts. My best can always come out easily and
naturally."
I thank you for sending me to modular classes. Marami po ako
natutunan na nakatulong sa akin na maintindihan ang mga bagay bagay sa
Religious Community Living. Ang higit po na ipinagpapasalamat ko ay ang walang
katapusang pagpapala ng panginoon through the intercession of Mama Mary. Marami
po miracles sa akin, lalong lalo na pag nasa Regina RICA ako. I believe it is
just normal because I first felt in love with the place before I learned about
your congregation. Everything is just kept in my heart. It is just between me
and my God.
Sr. Eppie hindi ko madalas nasasabi sa inyo kung gaano ako
nagpapasalamat na nakilala ko kayo. Hindi ko lubusang napapasalamatan ang lahat
ng mga ginagawa niyo para sa akin, dahil words are not enough. Basta SALAMAT po
sa lahat lahat. Lagi ko po pinagdadasal na lagi ko kayong kasama hanggang sa
pinakahuling sandali ng aking paglalakbay sa panginoon. Kaya sana manatili po
kayo malusog at ingatan niyo po lagi ang sarili niyo.
Hanggang ngayon hindi ko
po tiyak ang kinabukasan ko sa buhay na ito. Ang alam ko lang po gusto ko
maglingkod sa panginoon sa pamamagitan ng inyong congregation. Maraming
pagkakataon na nararamdaman ko pa din ang mga pagdududa at insecurities.
Madalas nararamdaman ko pa din ang panghihinayang sa mga pagkakataon sa
magandang trabaho o negosyo sa labas at ang pagtitiwala ng mga tao na
nakatrabaho ko at marami sa kanila ay gusto pa din na makasama ako. Pero I also
feel the embrace of our Lady and the unending graces of the Lord.
Malapit na po magtapos
ang postulancy ko. Hindi ako sigurado kung tatanggapin niyo ako sa next level.
Marami pa ako dapat baguhin to become “ a good sister.” I cannot promise to
change everything in a snap, it may take a lifetime. Pero anuman po ang
mangyari alam ko na masaya si Lord dahil binigyan ko ng pagkakataon ang
kaniyang pagtawag sa akin.
The fear of the ‘unknown’ that could await a woman who acknowledges the call of the Lord could be overwhelming. But through the intercession of our Lady Regina Rosarii, I know God’s grace would be sufficient to vanish the fear. I believe Our Lady had led me to the Dominican Sisters of Regina Rosarii and will show me the path to holiness. God has a plan for each of us. We are called to follow Jesus. Sometimes, we do not understand or do not feel the fire for God in our hearts because we are always busy. Sometimes, we are faced with hardships and pains. But, really, the Lord, as always, has his ways to appease us. I am really grateful to all my class mentors for they served as the Lord’s instrument for my enlightenment. I appreciate your generosity for allowing me to attend all the classes.
Serving the Lord does not need logic and so much thinking. It is just felt in the heart. And when we feel the seed that the God has planted in our hearts, we can only ask Him for the gift of increased zeal to follow Him and to love Him.
Lubos na Gumagalang,
The fear of the ‘unknown’ that could await a woman who acknowledges the call of the Lord could be overwhelming. But through the intercession of our Lady Regina Rosarii, I know God’s grace would be sufficient to vanish the fear. I believe Our Lady had led me to the Dominican Sisters of Regina Rosarii and will show me the path to holiness. God has a plan for each of us. We are called to follow Jesus. Sometimes, we do not understand or do not feel the fire for God in our hearts because we are always busy. Sometimes, we are faced with hardships and pains. But, really, the Lord, as always, has his ways to appease us. I am really grateful to all my class mentors for they served as the Lord’s instrument for my enlightenment. I appreciate your generosity for allowing me to attend all the classes.
Serving the Lord does not need logic and so much thinking. It is just felt in the heart. And when we feel the seed that the God has planted in our hearts, we can only ask Him for the gift of increased zeal to follow Him and to love Him.
Irene V. Rafer
Candidate for Novitiate
Dominican Sisters of Regina Rosarii
---------------------------------
Thanks be to to God! My formator - Sr. Matt - said on the air that I am now accepted to the next level - the Novitiate. I thank her for all her sacrifices for me. I thank her for all the patience and for all the understanding, for letting me grow.
I thank everyone who is a part of my formation:
I thank my lifetime friends for the gift of genuine friendship.
I thank my family for being the 'wind beneath my wings.'
I thank our lay partners who became my prayer warriors. I also thank my prayer warriors at prayerwarrior.com for unceasingly praying for me.
I thank Mama Lita, Ate Violy, Ate Imelda, Jam, Atong, Kuya Molong, Rally and Kuya Isot.
I thank everyone who is a part of my formation:
I thank my lifetime friends for the gift of genuine friendship.
I thank my family for being the 'wind beneath my wings.'
I thank our lay partners who became my prayer warriors. I also thank my prayer warriors at prayerwarrior.com for unceasingly praying for me.
I thank Mama Lita, Ate Violy, Ate Imelda, Jam, Atong, Kuya Molong, Rally and Kuya Isot.
I thank all my sisters for all the experiences, and the lessons I learned. I thank them for being a significant part of my formation.
I especially thank Sr. Eppie - our Superior General and the Founder of our congregation - for all the goodness and for showing me how it is to be a "good sister."
No comments:
Post a Comment